Ang Alamat Kung bakit Sinungaling ang Mga Lalake
Ito nga ba ang alamat kung bakit nagsisinungaling
ang mga lalaki...
Karpintero itong si Pedro at isang araw eh gumagawa
siya ng isang bahay sa tabi ng ilog.
Sa lakas ng pagmamartilyo niya eh nalaglag
ang martilyo niya sa ilog.
Umiyak siya at lumitaw yung guardian angel niya,
"Tutulungan kita, Pedro"
Sabay lundag sa ilog.
Lumabas ito na me hawak na gold hammer,
"Ito ba ang martilyo mo?"..
"Hindi po."
Lundag uli ang anghel at lumitaw na me silver hammer,
"Ito ba?"
"Hindi po."
Lundag uli sa ilog ang anghel at lumitaw na me ordinary
hammer,
"Ito ba?"
" Opo!"
Natuwa ang anghel.
"Dahil honest ka, bukod sa martilyo mo, sa 'yo na
rin ang gold and silver hammer!"
Makaraan ang ilang araw, naglalakad si Pedro sa ilog at
kasama ang misis niya.
Eh sa katangahan, nalaglag si misis sa ilog.
Iyak si Pedro.
Litaw si guardian angel.
"Tutulungan kita."
Sabay lundag sa ilog at ng lumitaw eh kasama ay ang Miss International "Ito ba ang misis mo?"
Sagot si Pedro,
"Opo!"
Nagalit si anghel,
"Sinungaling ka. Akala ko pa naman eh mabait ka."
Nag-reason-out si Pedro,
"Sorry po, mahal na angel... kasi po kapag sinabi kong 'Hindi',
eh lulundag ka uli sa tubig at paglitaw mo po
ay baka ang kasama mo ay ang Miss Universe na
At kapag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko,
eh lulundag ka uli at ang tunay na misis ko na ang
kasama mo.
At dahil sa kabaitan ko,ay baka
ibibigay mo din sa akin ang Miss International at Miss Universe.
Mahirap lang po ako at hindi ko kaya
ang me tatlong asawa, kaya 'Yes' na lang
ang sinagot ko nung una."
MORAL OF THE STORY:
Kaya lang naman nagsisinungaling ang mga lalaki
eh for a good and noble reason.
be happy guys!